Pages

Wednesday, 2 July 2008

Rant

Sabi ng bago kong bossing na punta daw ako ng Italia para sa isang one-day meeting. Sabi ko "Ano yan? Balikang Baguio-Manila on Victory liner with Dau stopover?" Ang layo layo layo kaya ng Milan tapos isang araw lang??? Mahalaga ba yang meeting na yan? Pwede naman sigurong mag-Skype conference nalang or yahoo messenger. Heto yahoo msgr id ko: cordilleragod. Kung gusto nila may show pa, cam to cam. Alam ko gawain yang mga one-day trip ng mga kaibigan kong sina Lor (lunch in Milan) at Nemanja (Helsinki just for coffee) at meron rin kaming may topak na propessor na balikan papuntang Tokyo (from London!) na walang overnight pero ako gustong makisalamuha sa mga natives (with cultural exchange, pwede ring bodily fluids) kaya I need more time there. (Tsaka malapit lang yun sa aking hideaway sa Lago Como, alangan naman mapadpad ako sa vicinity without saying hi to my neighbour George.) Pero anyways, umo-o naman ako dahil wala na nga pala akong current visado at baka sakali instead op da usual 6 months visa makakuha ako ng 1 year. So tawag ako ngayon sa consulado with my name. Natulala naman ang consul, bakit ko daw kelangan ng visa eh part of da EU pa naman ang bansa nila. Naalala ko tuloy na ang aking apelyido ay Castilla, posh pa ha, hindi basta basta Santos or Flores or de Guzman na napulot lamang sa catalogo alfabetico de apellidos ni Claveria. (Incidentally, one of my great great great great great great x 5 lolas ay isang puta na nakapikot ng Medici. Yan ang aking useless trivia na. Pero take note, hindi ako isa sa mga nilalang na bukambibig na half-pinoy one-third-ganito mixed mongrel ek-ek dahil para sa akin, ethnicity is determined by upbringing and not race.) So I had to explain na hindi ako Europeano bagkus ay isang Flipinoy. At bago ako biruhin ng consul, sinabi kong hindi ko kilala sina Claudine at Piolo. Ngayon, I have to got to Pines Studio para sa ID photo, tanong ko, hindi ba pwedeng Facebook photo nalang? Hay naku, sana wa ma-deny visa application ko.

No comments: